Thursday, August 21, 2014

Wika ng Pagkakaisa

Wika ng pagkakaisa

Ang paggamit ng ating wika ay isang paraan upang tayo ay magkaisa. Kaya dapat natin itong gamitin, mahalin at pagyamanin.

Ang mga kapwa nating Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ay gumagamit ng ibang dialekto pero hindi nila kinakalimutan kung ano man ang ating sariling wika. Ang mga naupload sa tinatawag nating “youtube” na mga ofw na tinuturuan ang kanilang mga inaalagaan na bata ay nagpapatunay na ipinagmamalaki nila at hindi nila ikinakahiya ang ating wika.

Kung ginagamit natin ang ating wika mas lalo tayong nagkakaintindihan at kung nagkakaintindihan tayo mas lalo nating mapapaunlad kung anuman ang meron tayo dahil nandyan ang salitang “pagkakaisa”.


Kaya dapat natin gamitin ang ating wika para sa ating ikakaunlad at para ipagmalaki na tayo ay Pilipino.

No comments:

Post a Comment